Pangulong Aquino, personal na umapela sa mga kongresista para maipasa ang BBL

by Radyo La Verdad | December 8, 2015 (Tuesday) | 3849

PRESIDENT-AQUINO
Personal na umapela ang Pangulong Benigno Aquino III sa mga mambabatas na ipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.

“President Aquino called on members of the House of Representatives to “…seize the historic opportunity…” of enacting the Bangsamoro Basic Law (BBL) and laying the foundations for long term peace.” Pahayag ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Hiniling ito ng pangulo sa mahigit dalawang oras na lunch meeting na kasama ang mahigit sa isang daan na kongresista na nagpaunlak sa imbitasyon ng pangulo sa Malakanyang.

Ayon kay Coloma, sinabi ng Pangulo na kailangan maipasa ang BBL sa kabila na rin ng mga banta ng terorismo at radicalization sa buong mundo.

“He said that passing the BBL now has become more imperative in view of the increased threats posed by global terrorism and radicalization. The President urged the members of Congress to rise to the challenge of being able to “change the narrative”, referring to the cycle of violence and poverty that has stalled peace and progress in Mindanao.” Ani Coloma.

Isinalaysay din aniya ng pangulo sa mga kongresista ang naging paguusap nito kina Italian President Sergio Matarella at Prime Minister Matteo Renzi at kung paano nagusisa ang mga ito kaugnay ng mga hakbang ng kaniyang administrasyon para mabuo ang kasunduan ng gobyerno sa Bangsamoro.

Kabilang sa mga kongresistang dumalo ay sina House Speaker Feliciano Belmonte, Jr at House Majority Leader Neptali Gonzales II na siyang nanguna sa House Delegation habang si Executive Secretary Paquito Ochoa naman ang nanguna sa mga miembro ng gabinete na dumalo sa pagpupulong.

(Jerico Albano / UNTV RADIO Reporter)

Tags: , , ,