Kampo ni Sen. Poe naghain na ng motion for reconsideration sa pagkakadiskwalipika sa kaniyang ng Comelec 2nd Division

by Radyo La Verdad | December 8, 2015 (Tuesday) | 3475

ATTY-GEORGE
Naghain na ng motion for reconsideration si Senator Grace Poe kaugnay sa pagdiskwalipika sa kaniya sa pagtakbong pangulo ng Comelec 2nd Division.

Ayon sa abugado nitong si Attorney George Garcia, mas dinetalye nila ang mga katibayan na pasado si Senator Grace Poe sa residency requirement ng isang tumatakbong presidente.

Bagamat hindi naging basehan sa pagkansela sa certificate of candidacy ng senadora ang citizenship nito, ayon kay Garcia tinalakay din ito sa kanilang M.R. Dahil nagbanggit ang 2nd Division na naniniwala silang hindi natural born filipino si Poe.

Samantala nagsumite naman ng kaniyang partial motion for reconsideration si Attorney Estrella Elemparo.

Iginiit ni Elamparo na dapat kasamang ikonsidera ang citizenship ni Poe sa pagdiskwalipika sa kaniya dahil nagsinungaling ito at pinalitaw na siya ay natural born filipino.

Umaasa naman ang kampo ni Senador Poe na mababago ang desisyon kapag nakarating na ang kaso sa En Banc ng komisyon.

Kung hindi papaboran iaakyat ni Poe ang kaso sa Korte Suprema. (Victor Cosare/UNTV News)

Tags: , ,