116th Police Service Anniversary ng PRO9, inaasahang pangungunahan ni PNP Chief Dela Rosa

by Radyo La Verdad | November 9, 2017 (Thursday) | 1416

Ipinagdiriwang ng Police Regional Office 9 o PRO9 ang ika-116 na Police Service Anniversary nito ngayong araw.

May tema itong “Buhay ng Pulis Handang Ibuwis para sa Katahimikan at Kaayusan ng Bayan” na inaasahang pangungunahan ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa.

Noong nakaraang taon ay dumalo rin si Dela Rosa sa naturang pagdiriwang bilang panauhing pandangal.

Layunin ng taunang selebrasyon na mabigyan ng sapat na kaalaman ang komunidad sa mga ginagawa ng PNP para sa mga residente.

Kaakibat naman nito ang pagbibigay pagkilala tulad ng individuals, units at special awards sa mga nagpamalas ng galing o dedikasyon sa kanilang mga trabaho.

Inaasahan din na dadalo sa pagdiriwang ang mga lokal na opisyal sa buong rehiyon bilang pagpapakita ng suporta sa mga kapulisan sa kanilang mga lugar.

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent )

Tags: , ,