114 Armored Personnel Carriers, pormal nang ipinagkaloob sa Mechanized Infantry Division ng Philipine Army

by Radyo La Verdad | February 5, 2016 (Friday) | 3107

BRYAN_AFP-MODERNIZATION
Mahigit isang daang Armored Personnel Carrier ang itinurn over ng Sandataang Lakas ng bansa sa Mechanized Infantry Division ng Philipine Army sa Camp O Donnel, Capas Tarlac.

Ito ay bilang bahagi ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines.

Pinangunahan ang turn over ceremony ni Defense Secretary Voltaire Gazmin at AFP Chief of Staff General Hernando Iribberi.

Ang 114 units ng M113A2 APCS ay ibinigay ng Estados Unidos sa Pilipinas bilang bahagi ng Excess Defense Article Program o EDA.

Malaking tulong ang mga tangke dahil magagamit ito sa pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad at maging sa territorial defense operations ng AFP.

Bukod sa 50-caliber machine gun, maaaring ire-configure o isaayos ang mga tangke at lagyan ng mas malalakas na armas.

Maaari rin itong lagyan ng anti-missile at anti tank cannons, at gawing computerized o kontrolado ng computer ang weapon system ng tangke.

Ide-deploy ang mga Armored Personel Carrier sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa mga lugar kung saan malaki ang banta sa seguridad.

Bagama’t wala pang mga armas ang mga tangke, maaari na itong ideploy sa mga susunod na buwan upang magamit ng mga sundalo bilang behikulo at force protection.

(Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,