China, pinasasagot ng Arbitration Court re: West Philippine Sea dispute

by Radyo La Verdad | December 2, 2015 (Wednesday) | 1167

jerico_west-philippine-sea
Tinapos na ng Permanent Court of Arbitration ang limang araw na pagdinig sa reklamo ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng territorial dispute ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.

Matapos ang pagtanggap ng UN body ng ebidensiya at testimonya mula sa Pilipinas, binibigyan naman nito ang China ng pagkakataon hanggang Enero 1, 2016 upang sagutin sa pamamagitan ng isang liham ang mga alegasyon ng Pilipinas.

Ito ay sa kabila ng pagtanggi ng China na makilahok sa mga pagdinig.

Inaangkin ng China ang halos kabuuan ng South China Sea batay sa Chinese maps na gamit noong 1940s.

Tags: