Lowell Menorca, naniniwalang hinaharang ng mga abugado ng INC ang kanyang testimonya

by Radyo La Verdad | December 2, 2015 (Wednesday) | 4958

MENORCA
“In a way they really didn’t want me to speak at all. The first part of their statements were to totally disregard my whole affidavit, totally disregard my testifying before the court. I think it’s very evident exactly why they don’t want me to speak.”

Ito ang reaksyon ng dating minsitro na si Lowell Menorca matapos maudlot ang kanyang pagtestigo sa pagdinig ng Court of Appeals ngayon martes sa Amparo Petition na isinampa sa mga lider ng INC.

Sasalang sana si Menorca sa cross exam ngunit di ito itinuloy ng mga abogado ng INC.

Sa halip, hiniling ng mga ito na i-strike-out ang buong testimonya ni Menorca.

Sa kabuuan, may 117 objections ang mga abogado ng INC sa salaysay ni Menorca.

Kinatigan ng korte ang isa sa mga objection ng mga abogado ng INC at ipinatanggal ang isang bahagi ng salaysay ni Menorca kung saan sinabi nito na ipinadukot siya sa utos ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo.

Kaya’t ipinagutos ng korte na isumite na lamang ito bilang isang mosyon at binigyan ng 10 araw ang kampo ni Menorca upang sagutin ito.

Pakiramdam ni Menorca, hinaharang ang kanyang pagtestigo sa kaso.

Kung may mga pagtutol aniya ang mga abogado ng INC, maaari naman siyang tanungin ng direkta sa harap mismo ng korte.

Ayon pa sa dating ministro, tuloy pa rin ang mga pagbabanta sa kanyang buhay at sa buhay ng kanyang pamilya.

Kayat palipat-lipat sila ng tinutuluyan sa ngayon.

Itutuloy naman ng korte ang pagdinig sa petisyon sa January 20 ng susunod na taon. (Roderic Mendoza/UNTV News)

Tags: , ,