Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia noong September 8-14 sa mga vice presidentiable nakakuha ng pinakamababang pitong porsiyento si LP Vice President Candidate Leni Robredo.
Makalipas ang tatlong buwan inamin ni Robredo na dehado siya hanggang ngayon kumpara sa kanyang mga katunggali.
Ayon sa kanya mas mahaba na ang karanasan ng ibang mga vice presidential candidate sa pulitika kumpara sa kanya.
Gayunman isa umano itong hamon upang pagibayuhin pa niya ang kanyang pagiikot sa ibat-ibang lugar sa bansa.
Hindi man aniya siya kilala ng marami mas malalim naman ang kanyang naging relasyon sa mga nasa grassroots level lalo na sa kanyang distrito.
Isa sa isinusulong ni Robredo sa ngayon ay ang tiyaking magkakaroon ng sapat na pagkain sa hapagkainan ang bawat pamilyang pilipino.
Sa pakikipagpulong ni Robredo sa kanyang campaign team sinabi nito na kailangan pa niyang magikot sa iba’t ibang lugar upang makilala ng mga botante.
Naniniwala rin si Robredo na sa pamamagitan ng campaign ads ay tataas ang kanyang rating.
Lalot lumabas ang VP survey noong buwan ng Setyembre na hindi pa siya nagde-deklara ng kanyang kandidatura. (Grace Casin/UNTV News)
Tags: Liberal Party Vice Presidential Candidate Leni Robredo, vice presidentiable