600 kilong kontaminadong karne nakumpisa ng mga otoridad sa Quezon City

by Radyo La Verdad | December 2, 2015 (Wednesday) | 1548

BOCHA
Umabot sa anim na raang kilo ng kontaminadong karne ang nakumpiska ng City Veterinary Office ng lungsod Quezon sa anim na wet market sa Novaliches Bayan madaling araw ng martes.

Ayon sa City Vet Office hindi nalalayo sa bocha o double dead na karne ng baboy ang mga karneng nakumpiska.

Nagmula ang mga karne sa Australia, New Zealand, America at Canada.

Wala raw sa freezing temperature na 0 degrees centigrade ang mga karne kaya posibleng magdulot ito ng pagsakit ng ulo, pagsusuka at pagtatae nang kakain ng mga ito.

Maging ang mga processed meat tulad ng hotdogs, tocino at longganisa na wala sa chiller ay nabigyan rin ng warning.

Hanggang tatlong warning ang ibinibigay ng ahensya sa mga nagtitinda nito bago kumpiskahin.

Sakali naman mahuli ng tatlong beses sa kaparehong paglabag ay kakasuhan na ang mga nagtitinda ng paglabag sa Meat Code of the Philippines.

Ibabaon sa lupa ang mga nakumpiskang kontaminadong karne na dati ay ipinapakain sa mga buwaya zoo.

Ngunit pati daw ang mga buwaya ay ayaw nang kumain ng mga kontaminadong karne. (Reynante Ponte/UNTV News)

Tags: ,