Madaling natapos ang unang araw ng Bicameral Conference Committee meeting ngayon martes para sa mahigit tatlong trilyong pisong panukalang pambansang pondo ng pamahalaan para sa 2016.
Agad itong sinuspinde dahil sa hiling ng House Panel na idetalye ang ilang amendments sa Proposed National Budget.
Pinagbigyan naman ito ng Senate Panel.
Ayon naman kay Senate Committee on Finance Chairperson Loren Legarda, sisikapin nilang matapos ang pagtalakay ng national budget sa Bicameral Conference Meeting batay sa itinakdang iskedyul.
Ikinatuwa ni Legarda na ang Plenary debate sa National budget ay inabot lang ng tatlong araw
Ngunit sa Bicam kailangang talakayin maigi ang ilang amendments ng mga senador sa budget ngilang ahensya ng pamahalaan
Sisikapin nilang maaprubahan ito upang maiwasan ang reenacted budget
Ayon sa official gazette kapag nagsimula na ang taon at hindi pa rin naaprubahan ang proposed budget, nagkakaroon ng reenacted budget o paggamit ng budget noong nakaraang taon.ibig-sabihin, kung bigong maaprubahan ang 2016 budget bago matapos ang taon, gagamitin ulit ang 2015 budget.
Kung may pondo para sa isang tulay na itinayo noong isang taon, mauulit ang pondo nito sa taon ng reenacted budget.
Ibig sabihin popondohan muli ang isang tulay na naitayo na.
Isang problema ito dahil maaaring magamitang pondo para sa mga layunin o proyekto na wala naman sa plano
Ayon kay Legarda ang 2016 national budget ay may layuning mas maging proactive ang bansa para sa climate change, kalamidad, promosyon ng inclusive at sustainable growth. (Bryan de Paz/UNTV News)
Tags: Bicameral Conference Committee meeting, Senate Committee on Finance Chairperson Loren Legarda