Seguridad sa paligid ng RTC Olongapo city, mahigpit na ipinapatupad ng PNP

by Radyo La Verdad | December 1, 2015 (Tuesday) | 2488

JOSHUA_SEGURIDAD3
Mamayang ala una na ng hapon ang itinakdang promulgation ng Olongapo Regional Trial Court Branch 74 sa magiging hatol sa murder case na kinakaharap ni U-S Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton kaugnay ng kasong pagpatay sa transgender na si Jeffrey Laude.

Dahil dito hinigpitan ng pamunuan ng Philippine National Police ang seguridad sa paligid ng Regional Trial Court ng Olongapo city.

Sa apat na kanto papunta sa RTC ay may mga barikadang inilagay ang pnp at may tauhan ng pulisya.

Hindi rin basta basta nagpapa-pasok ng mga tao, kundi mga nagta-trabaho lamang ng RTC.

May K-9 unit ring naka-bantay, maging ang truck ng Bureau of Fire Protection ay naka-antabay para sa mga magsasagawa ng kilos protesta na magtatangkang papasok sa RTC.

Pasado alas nuebe kaninang umaga ng dumating ang unang grupo ng mga raliyista na nanggaling pa sa lalawigan ng Bataan, Zambales at Pampanga.
Ayon sa grupo, suportado nila amg pamilya Laude at hanap ang hustisya sa pagkakamatay ni Jennifer.

Panawagan rin ng grupo na dapat ikulong si Pemberton sa New Bilibid Prison.
Ayon sa pamunuan ng PNP, walang permit na hawak ang ang grupo kaya hindi sila papahintulutang makalapit sa harapan ng RTC.(Joshua Antonio/UNTV Correspondent)

Tags: , ,