Pagdinig ng arbitral tribunal sa inihaing kaso ng Pilipinas laban sa China, tapos na

by Radyo La Verdad | December 1, 2015 (Tuesday) | 1715

JERICO_TINAPOS
Natapos na ang pagdinig ng arbitral tribunal sa iprinisintang mga argumento at ebidensya ng mga abugado ng Pilipinas laban sa territorial dispute sa China.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, sina Principal Counsel Paul Reichler, Lawrence Martin, Professors Philippe Sands, Bernard Oxman, Alan Boyle, at Andrew Loewenstein, mga legal counsel ng Pilipinas ang nagprisisinta ng mga sagot sa mga katanungan ng arbitral tribunal sa ikalawang round ng argumento.

“…all took turns at the lectern to respond to questions posed by the Tribunal.” pahayg ni Valte.

Kasama ding sumagot ng tanong ang dalawang eksperto sa marine life research na sina Professors Kent E. Carpenter at Clive Schofield base sa kanilang specialization.

Si Solicitor General Florin Hilbay bilang abugado ng Pilipinas ang nagpahayag ng closing remarks habang si Presiding Arbitrator Judge Thomas Mensah naman ang nag-adjourn sa naturang proceedings.

“Solicitor General Hilbay, as Agent of the Philippines, delivered the closing remarks. Presiding Arbitrator Judge Thomas A. Mensah officially adjourned the proceedings.” pahayag ni Valte.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na impormasyon sa detalye ng question and answer sa pagitan ng delegasyon ng Pilipinas at ng arbitral tribunal.

Tiwala naman ang Malacanang na ikokonsidera ng arbitral tribunal ang posisyon ng Pilipinas dahil sa mga argumentong iprinisinta nito sa harapan ng mga hukom.

Inaasahang maglalabas ng desisyon ang arbitral tribunal sa ikalawang quarter ng 2016 kaugnay ng territorial dispute ng Pilipinas at China.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,