112 hectares na natitirang bahagi ng Hacienda Luisita, ipinamigay na sa mga magsasaka sa Tarlac

by Erika Endraca | August 28, 2019 (Wednesday) | 10245

MANILA, Philippines – Natanggap na ng mga farmer beneficiaries ang natitirang 112 hectares na bahagi ng Hacienda Luisita kagabi (August 27) ang hakbang na ito ng Department of Agrarian Reform (DAR) ay bahagi ng pagdiriwang ng Ika- 31 Anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ngayong taon

“Ito na po ang pinakahuli na 112 hectares of land sa Hacienda Luisita na sakop ng 10 Brgy at lahat po ito magagampanan namin dahil po sa inyong utos at sa inyong mandato na ibinigay sa Department of Agrarian Reform na bilisan at tapusin na ang pamimigay ng lupa sa inyong administrasyon.” ani DAR Sec John Castriciones.

Ang CARP ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong mabigyan ng sariling lupain ang mga magsasaka at farmworkers. Ito ay naipatupad sa pamamagitan ng ra 6657 na nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino noong 1988. Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaloob ng mga bahagi ng lupain sa mga kwalipikadong magsasaka sa tarlac

Ayon sa punong ehekutibo maittuturing na pinakamalaking anomalya ang hindi pagsama sa Hacienda Lusita sa land distribusyon ng pamahalaan. Taong 2012 pa nang ipinag- utos ng korte suprema na ipamahagi ang 4, 915 hectare agriculture land sa mga farmer- benefifciaries Hacienda Lusita.

“The greatest aberration s land reform was the phiippines was declared the country as a land reform program area pero tinanggal nila ang Doña Luisita. Far and in between the years that it was fighting, I mean the tenants, marami ho ang namatay. A lot of people died, invested blood. Just to realize until late today iyong mga lupa na dapat sa kanila..”  ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Mahigit 6,000 mga magsasaka ang napagkalooban ng lupa sa Hacienda Luisita. Ayon sa DAR , kasama sa kanilang gagawin ay ang pag alalay sa mga benificiary kung paano gagamitin at palalaguin ang lupang ipinagkaloob sa kanila

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,