Nasugatan sa aksidente sa motorsiklo sa San Pedro, laguna, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | December 1, 2015 (Tuesday) | 3005

TMBB
Rumisponde ang UNTV News and Rescue Team sa nangyaring aksidente sa motorsiklo sa San Pedro, Laguna madaling araw ng linggo.

Ang biktimang si Noel Espiritu, 48-anyos ay iniinda ang mga sugat sa ulo, kaliwang tuhod, balikat at braso.

Ang kasama naman ni Espiritu na siyang nagmaneho ng motorsiklo ay dinala sa pinakamalapit na ospital ng ilang bystander.

Ayon kay Espiritu, binabagtas nila ang national highway sa Barangay Canlalay nang bigla silang mawalan ng kontrol sa manibela

Matapos na malapatan ng paunang lunas ng News and Rescue Team ay tumanggi nang magpahatid sa ospital ang biktima.

Samantala, sa bahagi naman ng Davao City ay isang lalakeng naaksidente rinsa motorsiklo ang binigyan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Kinilala ang biktima na si Christian Joseph Padilla, 21-anyos, na nagtamo ng posibleng bali sa kanang paa matapos siyang mawalan ng balanse nang bigla umanong lumiko ang kasalubong niyang multicab.

Matapos lapatan ng first aid at dinala na ng Rescue Team ang biktima sa Southern Philippines Medical Center. (Sherwin Culubong/UNTV News)

Tags: , ,