Tatlo ang patay at mahigit sa dalawangpu ang nasaktan matapos atakihin ng di pa nakikilalang armadong grupo ang base ng United Nations peacekeeper sa bayan ng Kidal sa Northern Mali kahapon
Nagsagawa ng rocket attack sa UN Base ang mga rebelde kung saan agad na nasawi ang dalawang peacekeeper at isang sibilyan.
Simula ng nagkaroon ng kudeta sa Mali noong 2012 naging base na ng mga rebelde ang Northern Region ng Mali.
Sa ngayon na sa proseso na ng pagbabalik ng demokrasya sa bansa sa tulong ng United Nations at African Regional bodies.
Sa kabila ng mga improvement sa seguridad sa Northern Mali noong 2013, dumami naman ang insidente ng pambobomba sa pagpasok ng taong 2014, na naka-apekto sa economiya at development activities sa bansa.
Tags: Northern Mali, rocket attack, UN Base, United Nations peacekeeper