3 bagong kaso ng Ebola, naitala sa Liberia dalawang buwan matapos ideklarang Ebola free

by Radyo La Verdad | November 27, 2015 (Friday) | 1034

(Photo credit: Reuters)
(Photo credit: Reuters)

Tatlong panibagong kaso ng Ebola virus ang naitala sa Liberia, Africa, dalawang buwan matapos naideklara ng World Health Organization na ebola free ang bansa.

Isang labinlimang taong gulang na binatilyo ang iniulat na nasawi dahil sa ebola.

Isinugod sa ospital si Nathan Gbotoe noong nakaraang biyernes matapos makitaan ng sintomas ng nakamamatay na sakit.

Dahil positibo sa virus, agad itong dinala sa ebola treatment unit ngunit binawian din ng buhay.

Nagpositibo din sa virus ang tatay at kapatid na lalaki ni Gbotoe.

Hindi naman matukoy kung saan nakuha ng biktima ang ebola virus.

Sa ngayon ay under observation ang mahigit isang daan at limampung tao na nakahalubilo ng nasawi.

Ang Liberia ang may pinakamataas na kaso ng ebola virus kung saan nasa apat na libo walong daan ang nasawi simula ng mag-umpisa ito noong December 2013.

Tags: ,