Matapos ang 18 buwang pagsasagawa ng Overseas Voting Registration, ngayon ay may kabuuang 144,000 eligible registered voters sa Riyadh area pa lamang at umabot sa 78,783 dito ay mga bagong rehistradong botante.
Ayon kay Ambassador to Saudi Arabia and Yemen Ezzedin Tago, pinakamataas ito kumpara sa mga nakalipas na taon.
“And now for the first time we have the highest, pinaka mataas na registration during this last 18 months so the total would be for Riyadh 144,000 eligible qualified registered to vote.” pahayag ni Tago
Sa nakalipas na eleksiyon mayroon lamang silang naitalang 77,000 voters dito sa riyadh at alkhobar , ngunit ngayon taon ay halos domoble pa ang bilang nang mga maaring bomoto sa darating na halalan.
Bukod sa regular na registration sa embassy isinagawa rin ng embahada ang mobile overseas voting outreach sa iba’t ibang lugar tulad nang Al Khobar, Dammam, Buraidah, Ha’il, Hofuf, Jubail, Al Khafji, Sakaka sa Al Jouf at maging sa Wadi Dawaser.
Nanawagan naman ang embahada na sa mga botante na maagang bomoto at iwasan na ang kaugalian ng ilang na last minute kung magpunta upang bomoto. (Manilyn Salapare/UNTV News)
Tags: Ambassador to Saudi Arabia and Yemen Ezzedin Tago, Overseas Voting Registration