11 toneladang ng cocaine nakumpiska sa joint drug smuggling raid ng US, Italy at Colombia

by Radyo La Verdad | July 1, 2016 (Friday) | 2183

COCAINE
Nakumpiska ng pinagsamang-pwersa ng American, Italian at Colombian Police ang labing isang tonelada ng cocaine sa isinagawang joint drug smuggling raid.

Ayon sa mga otoridad, karamihan sa mga illegal na droga ay nakuha sa pitong drug laboratories na nadiskubre sa kagubatan ng Colombia.

Mula dito ay inilalagay ang cocaine sa mga container na may lamang tropical fruits at ipinadadala sa mga bansa sa Europa at maging sa Estados Unidos.

Tatlumpu’t tatlong tao rin ang naaresto ng mga otoridad, dalawamput dalawa sa mga ito ay mula sa Colombia at ang iba ay sa Italya.

Ayon sa mga otoridad, pinatatakbo ang mga ni-raid na laboratoryo ng grupong “ndrangheta”, isang organised crime group mula sa Calabria, Italy.

(UNTV RADIO)

Tags: