11 pinaghihinalaang kaso ng Wuhan Coronavirus sa Pilipinas, inoobserbahan ng DOH

by Erika Endraca | January 28, 2020 (Tuesday) | 4927

METRO MANILA – Binabantayan ngayon ng Department Of Health (DOH)  ang 11 mga dayuhan na kinakitaan ng sintomas ng 2019 Novel Coronavirus.

Base sa datos ng ahensya ang 2 pinaghihinalaang kaso ng Coronavirus sa Metro Manila.

Isa rito ay ang 78 anyos na lalake ang kasalukuyang inoobserbahan sa Muntinlupa City at isang 44 anyos na lalake naman sa Pasay City.

Sa Palawan hinihintay nalang ang resulta ng eksaminasyon na ginawa sa isang 10 taong gulang na Brazillain na galing sa Wuhan China.

May tig isang pasyente rin ngayon ang nasa Mambajao, Camiguin at Tacloban City na pawang kinakitaan ng sintomas ng virus. 3 naman ang dayuhang turista ang binabantayan ng DOH sa Kalibo Aklan kabilang ang isang 6 na taong gulang na bata. Sa Cebu City 3 rin ang inoobsebahan sa  2 magkahiwalay na ospital.

“The one in cebu, their five year-old kid has been discharged already, and there have been some that are in the process of release, like the one in aklan, they would be going home today”ani DOH- Epidemiology Bureau, Chito Avelino.

Tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III na walang dapat ipag-alala ang pubiko dahil walang kumpirmadong kaso ng nakamamatay na Coronavirus sa Pilipinas.

“P-U-I’S, they are all isolated now. So they are not on those areas in the moment, some of them discharged kung negative. So there should n’t be any cause for alarm just because we flashed the areas where the p-u-i-s come from, doesn’t mean those areas are infected with the novel corona virus, because there’s none. We keep harping the fact that there is none. Still zero as of today. ”ani Department Of Health Sec. Francisco Duque III.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,