Ipina-aaresto na ng Senate Blue Ribbon Committee ang labing isang indibidwal na hindi humaharap sa ipinatawag na imbestigasyon ng Senado sa mga bintang na katiwalian laban kay Vice President Jejomar Binay.
Kabilang dito si Dr. Jack Arroyo ng University of Makati, Laureano Gregorio na sinasabing may-ari ng lupain sa Batangas, Gerry Limlingan at asawa nitong si Margarette Liknok, magkakapamilya na sina Erlinda Chong, Kimsfer Chong, Kim Tun Chong, Irene Chong, mag-asawang James at Anne Lorraine Tiu, at si Eduviges “Ebeng” Baloloy.
Sinabi din ni Senate Blue Ribbon Sub-Committee Chairman Senator Aquilino Pimentel III na dapat na irespeto ng mga ito ang komiteng nag-iimbestiga sa issue.
Samanatala, bukas ipagpapatuloy ng Senado ang imbestigasyon sa mga alegasyon ng kurapsyon kay VP Binay at sinabing may bagong ilalabas ang Sub- Committee
Ayon naman sa kampo ni VP Binay, asahang recycled allegations pa rin ang ilalabas ng sub- committee bukas. (Bryan de Paz / UNTV News)
Tags: Dr. Jack Arroyo, Eduviges “Ebeng” Baloloy, Kimsfer Chong