11 lalawigan sa bansa, apektado parin ng drought

by Radyo La Verdad | June 1, 2016 (Wednesday) | 5022

IMAGE_UNTV-NEWS_06032014_PAGASA-FACADE
Mababa parin sa normal ang naitalang mga pag-ulan sa ilang lugar sa bansa sa buwan ng Mayo kahit na inianunsyo na ng PAGASA ang pagpasok ng tag-ulan.

Base sa May 29 record ng PAGASA, 11 lalawigan parin ang apektado ng drouht o mahigit sa 60% na pagkabawas ng ulan sa loob ng 3 magkakasunod na buwan.

Karamihan sa mga ito ay nasa Luzon, 2 sa Visayas at 3 sa Mindanao.

Bukod dito ay may 24 na lalawigan naman na apektado ng dry spell o 21-60% pagkabawas na pagulan sa loob din ng 3 magkakasunod na buwan.

Ang Ilocos Norte at Quezon ay nakararanas parin ng dry condition o 21-60% pagkabawas na pagulan sa loob naman ng 2 magkasunod na buwan.

Ayon sa PAGASA, bagama’t pahina na ang El Niño ay may epekto parin ito sa bansa.

Mula naman sa Hulyo ay malaki ang posibilidad na magupisa na ang La Niña condition at sa huling bahagi ng taon hanggang sa unang bahagi ng 2017 ay tinatayang mararanasan ang impact nito sa bansa na magdudulot naman ng mga pagbaha.

Nauna nang sinabi ng pagasa na posibleng umabot sa 8-17 bagyo ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility hanggang sa buwan ng Oktubre subalit ngayong Hunyo ay 1 lamang.

Ayon naman kay PCOO Sec.Sony Coloma, pinaghahandaan ng pamahalaan ang posibleng maging impact sa bansa ng La Niña partikular sa agrikultura, flood control at disaster risk reduction.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: ,