11.2 pamilyang Pilipino, naniniwalang sila ay mahirap – SWS survey

by dennis | July 27, 2015 (Monday) | 3435
File photo: UNTVweb.com
File photo: UNTVweb.com

11.2 milyong pamilyang Pilipino ang ibinibilang ang kanilang sarili na mahirap, batay sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Batay sa 2015 2nd quarter survey ng SWS, nasa mahigit 11 milyong pamilya o 51 porsyento ang ikinokonsidera nila ang kanilang sarili na mahirap.

Ang resulta ng survey ay halos walang pinagkaiba sa naging resulta noong nakaraang quarter.

Ang survey ay isinagawa noong ika-5 hanggang ika-8 ng Hunyo na nilahukan ng 1,200 indibiduwal mula sa iba’t ibang panig ng bansa na may sampling error margin ng ±3 points para sa national percentage at ±6 points bawat isa sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao

Unang inilathala sa pahayagang Business World ang naturang survey, kasabay ng nakatakdang paghahatid ng huling ulat sa bayan ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong araw.