Panukalang batas na pagpapababa sa income tax hindi na maipapasa ngayong 16th congress

by Radyo La Verdad | November 26, 2015 (Thursday) | 5116

FELICIANO-BELMONTE
Mismong si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na ang nagsabi na hindi na maipapasa ng kasalukuyang kongreso ang panukalang batas na magpapababa sa personal income tax.

Ito’y matapos na ang mga isinagawang protesta para sa kongreso upang bigyang prayoridad ang panukala.

Ayon kay Belmonte kahit kabilang sa kanilang priority bills ang pagpapababa ng personal income tax, tutol dito ang ilang gabinete dahil sa 30 billion pesos na maaaring mawala sa gobyerno.

Subalit para sa mga may akda ng panukalang batas mahaba pa ang panahon ng kongreso ukol dito.

Ayon kay Bayan Muna Party List Rep. Neri Colmenares dapat gawin ng mga mambabatas ang kanilang trabaho na pagusapan na maipasa ang panuklang batas.

At oras na ipasa na ito ng kongreso bahala na ang pangulo kung ito ay kanyang pipirmahan o hindi.

Nanawaganng kongresista ang lahat ng mga empleyado makisama sa kanilang gagawing black protest ngayon huwebes.

Hinikayat nila ang lahat na magsuot ng kulay itim na damit o maglagay ng itim na ribbon sa kanilang braso.

Ito ay bilang pagpapakita umano ng kanilang pagkondena sa pahayag ng administrasyon na hindi isabatas ngayong 16th congress ang pagpapababa ng income tax. (Grace Casin/UNTV News)

Tags: ,