ASEAN Leaders, pormal na nilagdaan ang pagtatatag ng “ASEAN Community”

by Radyo La Verdad | November 24, 2015 (Tuesday) | 4465

ASEAN-2
Pormal nang nilagdaan ng ASEAN Leaders ang bubuohing ng ASEAN Community upang maabot ang ASEAN Vision 2025

Nakasaad sa ASEAN Vision 2015 ang framework para sa tatahaking direksyon ng rehiyon sa mga susunod na mga taon tungo sa pagpapalakas sa aspetong pang-seguridad, ekonomiya at panlipunan.

Batay sa deklarasyon, sa ngayon ang mga bansa na magkaroon ng iisang economic strategy, kilalanin ang kakayahang propesyunal ng bawat bansa, at magkaroon ng pangkalahatang konsultasyon kaugnay sa macro economic at polisiyang pampinansyal upang mapanatili ang malayang paggalaw ng kalakalan sa rehiyon.

Napagkasunduan rin ang pagpapalakas ng ugnayang pangtransportasyon, imprastraktura at bukas na komunikasyon.

Isusulong rin ang electronic transactions; pag-uugnay ng mga industriya sa rehiyon upang maging bukas sa oportunidad ng pageempleyo at ang pagpapalakas ng partisipasyon ng pribadong sektor.

Ilan sa tinukoy na propesyon na mabibigyan ng malayang paggalaw sa rehiyon ay ang engineers, architects, nurses, doctors, dentists, accountants, surveyors and tourism professionals.

Batay sa ulat, ang South East Asia ay itinuturing na ikapitong pinakamalaking ekonomiya sa mundo kung saan nakapagbibigay ito ng combined economic output na $2.6 trillion kada taon.

Samantala, sa bilateral talks ng ASEAN at Estados Unidos, sinabi ni U.S President Barack Obama na dapat ay itigil na ang pagtatayo ng artificial islands at militarisasyon sa pinagaagawang teritoryo sa South China Sea.

Ito ay dahil apektado na ng reclamation activity ng China ang kalakalan sa East Asia dahil sa pagbabawal nito sa Freedom of Navigation sa lugar.

Sa South China sea dumadaan ang mga barkong pangkalakal ng maraming bansa na bumubuo sa $5 trillion world trade income kada taon.

Gayundin, nanawagan si United Nations Secretary-General Ban Ki-Moon sa pagharap nito sa ASEAN Summit ng mapayapang pagresolba sa maritime dispute.

Ito ay matapos magpahayag ang China na sa China na ipagpapatuloy nito ang pagttayo ng military at civilian facilities sa binubuo nitong artificial island sa South China Sea. (Marje Navarro/UNTV News)

Tags: , , ,