Pang. Aquino, muling nanawagan sa China na irespeto ang rule of law sa gitna ng maritime dispute sa West Philippine Sea

by Radyo La Verdad | November 23, 2015 (Monday) | 835

SUMMIT
Muling umapela si Pangulong Benigno Aquino the third sa China na irespeto at pairalin ang rule of law sa gitna ng namumuong tensyon sa West Philippine Sea dahil sa malawakang reklamasyon ng China at paggamit ng pwersa upang itaboy ang mga pilipinong mangingisda.

Sa kanyang mensahe sa 10th East Asia Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia kahapon, iniisa isa ng pangulo ang mga insidente sa West Philippine Sea na nakaapekto sa relasyon ng Pilipinas at China.

Kabilang na dito ang pamumuwersa at pagtaboy ng China sa mga barkong nagsasagawa ng survey sa Recto Bank na 80 milya lamang ang layo sa Palawan at malinaw na sakop ng 200-nautical miles exclusive economic zone ng Pilipinas

At ang mga insidente ng sapilitang pagpapaalis sa mga mangingisda pilipino sa kanilang tradisyonal na pangisdaan sa Scarborough o Panatag Shoal at ang pagbabawal sa kanila na mangisda sa naturang lugar na malinaw na sakop ng EEZ ng bansa.

Ang mga insidenteng ito ayon sa Pangulo ang nagtulak sa Ppilipinas upang dumulog sa International Arbitral Tribubal, na patuloy na hindi kinikilala ng China ang jurisdiction sa kasong isinampa ng bansa. (UNTV Radio)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,