Tumanggap ng parangal sa katatapos na 2015 Philippine Blogging Awards ang sikat na blog site ni Bro. Eli Soriano na controversyextraordinary.com.
Ito ang nakakuha ng pinakamataas na boto sa mahigit isanlibong blog sites na kasali sa patimpalak kaya’t tinanghal na Bloggys 2015 Overall People’s Champion.
Sinimulan ang nomination process noong Setyembre at ginawa ang botohan mula October 5 hanggang 31.
Ang Bloggys2015 ay inorganisa ng essays.ph isang content outsourcing company na nakabase sa Makati city.
Nagsimula ang kumpanya noong 2007 at kasalukuyang binubuo ng mahigit 80,000 na local bloggers, authors at freelance writers.
“Sa ngalan po ni Bro. Eli Soriano, aming pong iniaalay ang blog na ito sa inyo pong lahat ang of course, como si Bro. Eli po ay he’s out ot town right now, pero ipinararating niya po ang pagpapasalamat sa award-giving body na ito at sa inyong recognition at sa lahat po ng nagpapahalaga sa kanyang mga blogs. Thank you so much po and of course, to God be the glory. Thank so much.” Pahayag ni Bro.Danny Navales KNP, Members Church of God International
“They are the people’s champion. They got around 4,000 votes yung iba mostly hundreds of votes eh, yung mga people’s choice sa iba’t ibang category. So far yun talaga yung naka caught ng attention namin, yung votes kay controversy extraordinary.” Pahayag naman ni Bloggys 2015 Director Paul Agabin
Tinanghal din na People’s Choice ang controversy extraordinary sa Society and Politics Category.
Sa kanyang blog post, nagpasalamat si Bro. Eli sa mga organizer ng bloggys at sinabing hindi siya nagsusulat upang parangalan ng tao,
Bagaman nagiging daan aniya ang mga ganitong award upang maabot ang mas marami pang mga tao.
Para kay Bro. Eli, wala nang sasarap sa pakiramdam kapag nabubuksan sa pagkaunawa sa salita ng Dios ang isang tao sa pamamagitan ng kanyang blog.
Gamit ang biblia bilang pangunahing reperensya, tinatalakay at binubusisi ng controversyextraordinary.com ang mahahalagang isyu ng pananampalataya, relihiyon, at moralidad.
Layunin nitong ilantad ang katotohanan at buksan ang kamalayan ng maraming mga tao.
“Of course dun sa lahat po ng hindi pa rin nakakabasa ng mga blog ni Mr. Controversy, inaanyayahan po namin kayo na basahin po ito at ginagarantiyahan na natin na napakarami nating matututunan, marami tayong mga information na mababasa doon na ito ay hindi mo naman basta matututunan lang sa isang akademya o sa isang learning institution maliban nga po dito sa blog ni Mr. Controversy. Dahil po dyan ay sumasaludo po tayo kay Bro. Eli Soriano and of course dalangin natin kay Bro. Eli at Kuya Daniel na sana lagi silang ingatan ng Panginoon saan man sila pumaroon, thank you so much po and of course to God be the glory.” muling pahayag ni Bro.Danny Navales KNP, Members Church of God International
Sa loob lamang ng tatlong buwan ay nakakuha ng mahigit 3 million views ang controversyextraordinary.com at nananatiling Number 1 sa Religion Category.
Apat sa bawat limang bumibisita sa blog na ito ay nanggaling sa ibang bansa. (Roderic Mendoza/UNTV News)
Tags: Bloggys 2015 Director Paul Agabin, controversyextraordinary.com., essays.ph, Philippine Blogging Awards