Marami ang natuwa sa pagkakapanalo Sen. Grace Poe sa disqualification case laban sa kanya sa Senate Electoral Tribunal, kabilang na ang ilan sa miyembro ng administration party.
Ayon kay LP Vice Presidental Candidate Camarines Sur Rep. Leni Robredo, patunay ito na hindi ang liberal party ang nasa likod ng mga disqualification case na isinasampa laban kay Poe.
Isa sa matibay na halimbawa ay ang pagboto ni Sen. Bam Aquino pabor sa senadora
Ayon kay Robredo, iginagalang nila ang naging desisyon ng mga miyembro ng SET para na rin sa mga batang inabandona ng mga magulang
Samantala, sinabi ni LP Senatorial Candidate Joel Villanueva na sa pagkapanalo ni Poe sa SET ay mas lalong magiging kapana-panabik ang 2016 elections
Ngunit sa huli aniya ay ang Korte Suprema ang may pinal na desisyon sa kaso ni Senator Poe. (Grace Casin/UNTV News)
Tags: Camarines Sur Rep. Leni Robredo, disqualification case, Liberal Party, Sen. Grace Poe