Canadian PM Justin Trudeau, tiniyak na may ginagawa na silang paraan hinggil sa Canadian waste na dinala sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | November 20, 2015 (Friday) | 1726

TRUDEAU
Tiniyak ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na may ginagawa na silang paraan upang solusyunan ang problema sa Canadian waste na dinala sa Pilipinas dalawang taon na ang nakakaraan

Ayon kay Prime Minister Trudeau, naipagbigay alam na sa kaniya ang ukol sa naturang problema

Kasalukuyan na umanong binubuo ang isang “Canadian solution” para sa isyu

Pinag-aaralan na rin umano nila ang posibleng pag-amyenda sa kanilang mga batas upang solusyunan ang ginagamit na loopholes ng mga Canadian company kaya naipadala ang mga basura sa Pilipinas.

2013 ng dumating sa bansa ang nasa 50 containers ng basura mula sa Canada, 29 na container dito ay dinala sa Capas, Tarlac

Ang Chronic Plastics Inc. ang kumpanyang naka-base sa Valenzuela City na nagbebenta ng recyclable materials, nag import umano ng mga basura mula Canada

50 containers ng basura ay idineklara bilang homogenous o recyclable materials

Ngunit ayon sa Bureau of Customs, heterogenous o mixed and unsorted materials ang laman ng mga container gaya ng household garbage at adult diapers.

Tags: , ,