104 na drug personalities sa Metro Manila, nabisita ng PNP sa unang araw ng pagbabalik ng oplan tokhang

by Radyo La Verdad | January 30, 2018 (Tuesday) | 6988

Pinuntahan ng pulisya ang bahay ng mga personalidad na nasa drug watchlist ng NCRPO. Kasama sa oplan tokhang na ito ang iba’t-ibang religous organization at local government unit upang saksihan ang operasyon ng pulisya.

Mayroon ding dati nang sumuko sa oplan tokhang na nakapag-bagong buhay para tumulong sa pagkumbinsi sa mga drug user na sumuko.

Sa kabuoan, 140 drug personalities ang binisita ng pulisya subalit apat na pu’t tatlo lang ang sumuko.

Paliwanag ni NCRPO DIR Oscar Albayalde, ito ay dahil ang iba dito ay sa ibang lugar na nakatira, mayroon ding mga nakakulong na pala, mayroon ding nagsabing pupunta na lang sa istasyon ng pulis, brgy. Hall at may apat naman ditong hindi sumuko dahil huminto na daw sa paggamit ng droga.

Paglilinaw din ni Albayalde, walang namamatay sa oplan tokhang dahil pagkumbinsi lang ito sa drug personalities na magpabagong buhay.

Dagdag pa ni nito, mas dadalasan nila ang pagtotokhang hanggang mabista ang nasa tatlong daan pang nasa drugwatchlist sa buong Metro Manila.

 

( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,