10,186 healthcare workers sa Zamboanga Peninsula, Basilan at Sulu, nabakunahan na

by Erika Endraca | March 19, 2021 (Friday) | 9123

Nabakunahan na ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 Vaccine ang 10,186 healthcare workers ng Zamboanga Peninsula, Basilan at Sulu, ayon sa Department of Health Region 9.

Ito’y matapos dumating ang first at second batch ng Astrazeneca at SinoVac vaccines na agad ding sinundan ng roll-out sa iba’t-ibang probinsya sa rehiyon.

Ayon kay Department of Health (DOH) Region 9 Director  Dr. Joshua Brillantes, patuloy pa din ang pagsasagawa ng pagbabakuna sa lahat ng frontliners at inaasahang matatapos ang pagbabakuna sa mga ito sa lahat ng ospital sa rehiyon ngayong Marso 23.

Sa pinakahuling datos ng DOH-9, umabot na sa 4,478 healthcare workers ang nabakunahan sa Zamboanga City, 2, 098 sa Zamboanga del Sur, 1, 738 sa Zamboanga del Norte 1, 096 sa Zamboanga Sibugay, 597 sa Isabela City, Basilan at 179 naman sa Sulu Sanitarium.

(Fe Gayapa | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,