ILOCOS NORTE – Tinatayang aabot sa 100,000 residente ang target mabakunahan ng Ilocos Norte Provincial Health Office (PHO) sa gagawing 3 days national vaccination ngayon Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Josephine Ruedas, ito ay matapos ang pagtaas ng mahigit P12-M na budget ng PHO para sa susunod na taon dahil sa ipinakitang logistic support upang labanan COVID-19.
Sa kasalukuyan, kinokonsideran pa ring nasa “low” ang vaccination rate sa probinsya dahil nasa 53% pa lang ang bakunado sa target na 70% population kung kaya’t mas nangangailangan ng mabilisang pagbabakuna. Gayon din ang pangangampanya hinggil sa bakunahan sa probinsya.
Dagdag pa ng opisyal, ang 30, 800 doses ng AstraZeneca Vaccine na binili ng Pamahalaang Panlalawigan ang magsisilbing unang dose ng mga di pa nababakunahan.
Samantala, pansamantala namang nakabinbin ngayon ang bakunahan sa mga menor de edad sa ilang parte ng Ilocos Norte habang nagpapatuloy naman ang pagtuturok sa mga health care worker.
(Renee Lovedorial | La Verdad Correspondent)