10,000 disaster-resilient classrooms, target itayo ng DepEd sa susunod na taon

by Radyo La Verdad | September 20, 2018 (Thursday) | 7117

Nais dagdagan ng mga senador ang budget ng Department of Education (DepEd) para sa susunod na taon upang makapagtayo ng karagdagang sampung libong disaster-resilient classrooms.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, 130 bilyong piso ang kanilang hininging karagdagang budget para maitayo ang mga classrooms na hindi basta kayang gibain ng malalakas na bagyo.

Isinusulong din ng DepEd na magpatayo ng multipurpose evacuation centers ang mga lokal na pamahalaan upang hindi naaabala ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Sa budget hearing, sinabi ni Senador Loren Legarda na may sapat na pondo ngunit nasasayang lamang dahil sa aniya’y inefficiency ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga hindi pa natapos na proyekto ng DepEd.

Ayon kay Legarda, ililipat niya ang ibang pondo ng DPWH sa DepEd para magkaroon ng sapat na pondo sa pagpapatayo ng school buildings.

Pinagsusumite rin ni Legarda ang DPWH ng inventory ng lahat ng tiwangwang na proyekto nito para sa DepEd.

 

( Cathy Maglalang / UNTV Correspondent )

Tags: , ,