1,000 Pinoy Nurses kailangan sa Germany sa susunod na taon

by Erika Endraca | November 28, 2019 (Thursday) | 15475

METRO MANILA – Kailangan sa bansang Germany sa susunod na taon ang 1,000 Pinoy Nurse sa ilalim ng triple win project na isang government to government hiring program.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mas pinipili ng Federal Republic of Germany ang kumuha ng mga Nurse sa Pilipinas para punan ang kanilang pangangailangan sa karagdagang Healthcare professionals.

Nakatakdang ianunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung kailan magsisimulang tumanggap ng aplikasyon kaugnay dito.

Samantala, noong 2013 mahigit sa 900 Pinoy nurse ang ipinadala sa Germany na tumanggap ng starting monthly salary na aabot sa mahigitP100,000 .

Tags: ,