1,000 na pulis sa NCR, nakatapos ng pagsasanay para sa paggamit ng NCPS

by Radyo La Verdad | February 18, 2022 (Friday) | 32432

METRO MANILA – Nakatapos ang 1,090 police officers ng Metro Manila sa pagsasanay sa maayos na paggamit ng National Police Clearance System (NCPS).

Binubuo ang 1,090 na police officers ng mga sumusunod:
-30 police Officers mula sa National Capital Region Police (NCRPO)
-150 mula sa Northern Police District
-275 galing Eastern Police District
-239 mula naman sa Manila Police District
-221 sa Southern Police District at
-175 naman ay galing Quezon City Police District.

Nakatanggap sila ng certificate sa kanilang pagtatapos nitong Martes na ginanap sa NCRPO headquarters, Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Pinangunahan ang NPCS users training program ng Directorate for Investigation and Detective Management na pinamumunuan ni Maj. Gen. Jireh Fidel.

Ayon kay Maj. Gen. Vicente Danao Jr., mararanasan na ng publiko ang mas mabisa at mabilis na transaksyon sa kanilang police clearance applications sa nationwide rollout ng NPCS.

Hindi makakakuha ng NPCS ang isang may criminal record sa isang area sa ibang area.

Karaniwang hinihingi ang police clearance sa maraming dahilan tulad ng employment at ibang government transactions.

(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,