Isang libong kilo ng botchang bituka ng baboy ang nasamsam ng Manila Veterinary inspection board sa ilalim ng Capulong Bridge sa Tondo, Maynila kaninang umaga.
Dalawang lalaki ang naaresto dahil hinugasan nila ang mga bituka sa Pasig River para gawing longganisa at ibenta sa mga palengke.
Nagkakahalaga ang mga ito ng humigit kumulang 10,000 hanggang 20,000 pesos.
Kwento ng mga metro aide mula sa Department of Public Service na nakasama sa operasyon, marurumi at masangsang na ang amoy ng mga nasamsam na bituka ng baboy.
“Ngayon lang namin na-encounter na ganoon pala ang paggawa ng longganisa. Napakarumi po,” ayon kay Ronaldo Bracero, Metro Aide, Department of Public Service.
Pahayag naman ni Manila Mayor Isko Moreno,“Sa mga kababayan na involved pa rin sa maruruming proseso o proseso ng mga karne, botcha, huwag po ilalatag sa Maynila sayang ang puhunan niyo. Mahuhuli’t mahuhuli namin kayo.”