100% smoke-free environment, inaasahang maipatutupad ngayong taon – DOH

by Radyo La Verdad | October 12, 2016 (Wednesday) | 1639
File photo: Reuters
File photo: Reuters

Kasalukuyan nang pinag-aaralan ng legal team ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinumiteng draft executive order ng Department of Health para sa nationwide smoking ban.

Nakapaloob dito angmas malawak na sakop ng “anti-smoking policy” sa buong bansa.

Ayon sa health officials, oras na maipatupad ito, hindi lang sa indoor public places ipagbabawal ang paninigarilyo kundi maging sa labas ng mga pampublikong lugar.

Ipinaliwanag din ng DOH na nakapaloob sa EO na hindi na maaaring magtalaga ng mga lugar upang doon manigarilyo ang mga tobacco smoker.

Umaasa ang health department na maipatutupad ang nationwide smoking ban sa Nobyembre kasabay ng full implementation ng graphic health warning law kapag nalagdaan na ng pangulo.

Kumpiyansa ang Department of Health na maipatutupad ang naturang executive order sa lalong madaling panahon lalo na’t inaasahang masosolusyunan nito ang problema sa kalusugan kung saan ang pilipinas ay isa sa may mataas na bilang ng mga namamatay dahil sa second hand smoking.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,