Umakyat na sa 100 ang nasawi sa nararanasang matinding pagbaha sa Central at Southern China dahil sa matinding buhos ng ulan.
Mahigit isang milyong mga residente na rin ang inilikas mula sa labing-isang apektadong probinsya.
Sa probinsya ng Anhui, dalawampu’t walong mga ilog na ang nasa warning level.
Mahigit isandaang byahe ng tren naman sa Hunan province ang napilitang tumigil o mag-detour dahil sa nararanasang pagbaha.
Ayon sa Chinese Ministry of Civil Affairs, tinatayang nasa 1.3 million hectares na katumbas ng 3 billion US dollars ang nasira sa kalamidad.
(UNTV RADIO)
Tags: China, matinding pagbaha