100 kabataan sa Masbate, sumailalim sa apat na araw na leadership training

by Radyo La Verdad | October 7, 2016 (Friday) | 1076

gerry3
Nasa isang daang kabataan mula sa iba’t ibang lugar sa isla ng Masbate ang sumailalim sa apat na araw na youth leadership training.

Mula sa dalawampung munisipalidad at isang syudad ang nakiisa sa kauna unahang provincial youth leadership summit sa bayan ng Milagro, Masbate.

Ilan sa mga kaalaman na ituturo sa mga kabataan ay ang mga isyu sa bansa gaya ng teenage pregnancy at ang masamang epekto ng paggamit ng iligal na droga.

Maliban pa rito tuturuan rin ang mga kabataan sa tamang pangangalaga sa kapaligiran, at first aid.

Pansamantalang nanuluyan ang mga kabataan sa ginawang camp site ng mga militar sa Sitio Baclay.

Ayon sa mga organizer ng youth summit nais nilang hubugin ang mga kabataan sa probinsya na maging kapakipakinabang na mamayan sa lipunan.

Lalo na’t maraming kabataan sa panahon ngayon ang nalulong sa masasamang bisyo.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: ,