100% cashless transaction sa mga expressway, epektibo na sa November 2

by Erika Endraca | October 27, 2020 (Tuesday) | 4080

METRO MANILA – Nagkukumahog na ang karamihan ng mga motorista para makapagpakabit ng RFID sticker.

Kahapon (October 26) dumagsa sa Quezon City circle ang mga motorista na nais magpalagay ng RFID sa Metro Pacific Tollways Corportation (MPTC).

Ang MPTC ang tollway operator ng NLEX, SCTEX, Calax, Cavite-C5link expressways.

Nakikipag-partner ang mptc sa mga lokal na pamahalaan para mas mapabilis ang paglalagay ng rfid sa mga sasakyan, dahil simula sa November 2 ay magiging epektibo ang 100% cashless transaction sa mga expressway.

Pero paglilinaw ng toll regulatory board, hindi ito nangangahulugan na deadline na rin ng pagpapakabit ng RFID sticker.

“Yung deadline naman dun sa transaction kasi yun eh, ang department order ang sinasabi by November 2 full cashless na siya pero yung pagkakabit naman ng rfid tuloy-tuloy naman yun” ani Toll Regulatory Board Head, Abe Sales.

Kaugnay nito pinayuhan ng mptc ang mga motorista na hindi kailangang makipagsabayan sa bulto ng mga nagpapakabit ng rfid, partikular na ang mga motorista na hindi naman regular na bumibiyahe sa mga expressway.

Ayon sa MPTC makakadaan pa rin ng expressway ang mga motoristang wala pang RFID kahit tumungtong na ang November 2.

Ito’y dahil meron pa rin silang itatalaga na mga special lane o booth kung saan pwede pa ring magpalagay at magpaload ng rfid.

“Kung hindi naman kayo babyahe hintay na lang kayo next week or next next month or December pareho lang naman. In other words, wala naman kayo plano magbiyahe sa undas, oh di relax lang” ani NLEX Corp. Senior VP for Communications, Atty.Romulo Quimbo.

Samantala pinalawig naman hanggang November 30 ng Skyway and MCorporation (SOMCO) ang installation ng RFID.

“Pwede naman po naming payagan yung mga wala pang RFID hindi pa nakakabitan before November 2. We will continue to install yung mga vehicles na wala pang rfid kung hindi po dun sa entry classes namin doon po sa mga other installation sites namin” ani SOMCO President, Manuel Bonoan.

Sakop ng SOMCO ang South Luzon Expressway, Star Toll Plaza, NAIA expressway at Skwy way.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: , ,