100 bangkay natagpuan sa drain pipes ng isang kulungan sa Colombia

by Radyo La Verdad | February 19, 2016 (Friday) | 1659
isang kulungan sa Colombia(REUTERS)
isang kulungan sa Colombia(REUTERS)

Aabot sa isang daang pira-pirasong bangkay ng mga preso at mga bisita ang natagpuan sa drain pipes sa isang kulungan sa Bogota, Colombia.

Natagpuan ang bahagi ng mga putol-putol na katawan ng mga bangkay sa La Modelo jail sa Bogoto, isa sa pinakamalaking bilangguan sa Andean nation.

May natagpuan rin sa kulungan sa Popayan City, Bucaramanga at Baranquilla.

Posibleng umanong itinapon ang mga ito sa pagitan ng taong 1999 hanggang 2001

Ang mga kulungan sa Colombia ang itinuturing na pinakamasikip at pinakabayolente sa Latin Amerika dahil sa mga nakakulong dito na mga leftist guerrillas at mga right-wing paramilitary.

Tags: , , ,