10 vintage bomb, i-tinurn over sa PNP ng isang mangingisda sa San Isidro, Leyte

by Radyo La Verdad | June 13, 2018 (Wednesday) | 6285

Tinurn over ni Emeliano Adol, isang mangingisda ang mga natagpuan nitong sampung iba’t ibang uri ng vintage bomb sa Sitio Punod, Barangay Tinago, San Isidro, Leyte noong Lunes.

Ayon sa chief of operation ng Leyte Police Provincial Office, may 75, 81, at 105 mm projectile mortar na highly explosive ang mga narerecover ng mga residente malapit sa baybayin ng San Isidro, Leyte.

Dagdag pa ni Collado, ang sampung vintage bomb na na-iturn over sa kanila ay masasabing active dahil intact pa ang mga bahagi nito kaya’t may posibilidad pa itong sumabog.

May lumubog umanong sasakyang pandagat ng mga hapon noong world war 2 kaya maraming vintage bomb na lumulutang nalang sa baybayin ng San Isidro, Leyte.

Paalala naman ng mga otoridad na kapag mayroon pang makitang mga ganitong bomba ay huwag gagalawin at ipagbigay-alam agad sa pinakamalapit na police station para sa proper disposal ng mga ito.

Sa ngayon ay nasa kostodiya na ng PNP Regional Office EOD ang mga na-iturn over na vintage bomb.

 

( Archyl Egano / UNTV Correspondent )

Tags: , ,