Pinalaya na ng iran ang sampung American sailors na idinetine matapos umanong iligal na pumasok sa teritoryo ng bansa.
Ayon sa Iranian State News Agency inihatid na ang American sailors sa dalawang barko nito na nasa Persian Gulf.
Ngunit bago pinalaya, isinailalim muna ang mga sailor sa interogasyon ng elite Iran revolutionary guard.
Una ng sinabi ng pentagon na nagkaroon ng mechanical problem sa navigation ang isa sa mga barko kaya napadpad ito sa teritoryo ng Iran.
Samantala nagpasalamat naman si US Secretary of State John Kerry dahil sa kooperasyon ng Iranian authorities.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com