10 Quezonian, ginawaran ng pinakamataas na parangal sa lalawigan

by Radyo La Verdad | August 20, 2018 (Monday) | 6941

QUEZON, Philippines – Mahusay at tapat sa tungkulin, matapang na ipinatutupad ang batas. Ito ang mga katangiang nakita ng lokal na pamahalaan ng Quezon kay Police Senior Superintendent Rolando Genaro Ylagan ng Gumaca, Quezon upang gawaran ng pinakamataas na parangan ng lalawigan, ang Quezon Medalya ng Karangalan.

Dating nanungkuan si Ylagan bilang provincial director ng PNP sa lalawigan Quezon. Isa lamang siya sa sampung indibidwal na kinakitaan ng katangian ng dating Pangulong Manuel Luis Quezon sa iba’t-ibang larangan.

Kabilang rin sa mga tumanggap ng pagkilala sina Fernando Quizon Llamas, PSSupt. Rhoderick Armamento, Gracia Fe Yu, Gloria Potes, Raynell Inojosa, Edwin Pureza, M.D., Hjayceel Quintana, Bal Yujuico at Tobias Enverga Jr.

Samantala, nagsagawa naman ng floral offering ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan ng lalawigan sa bantayog ni Quezon sa Lucena City bilang paggunita sa ika-isang daan at apat na pung taong ng kapanganakan ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon.

Taong 1906 ay nanungkulan si Quezon bilang gobernador ng Tayabas na ngayon ay tinatawag na probinsya ng Quezon.

 

( Japhet Cablaida / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,