10 probinsya isinama sa mga magiging bahagi ng Bangsamoro

by Radyo La Verdad | May 20, 2015 (Wednesday) | 2563

IMAGE__101512__OFFICIAL-GAZETTE__BANGSAMORO-TEROTORY
Isa sa mga kontrobersyal na pagbabagong isinama sa naaprubahang BBL NG sa Ad Hoc Committee ay ang idinagdag na 10 probinsya na mapasasailalim sa bubuoing Bangsamoro region.

Sa orihinal na bersyon ng BBL ang mga lugar na sakop ng Bangsamoro region ay lima lamang at ang mga ito ay ang Basilan, Sulu, Tawi-tawi, Lanao del Sur at Maguindanao.

Subalit sa bangong bersiyon na inaprubahan idinagdag dito ang 10 probinsya.

Kabilang dito ang Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte, North Cotabato, Saranggani
Sultan Kudarat, Lanao del Norte, Davao del Sur, South Cotabato at Palawan.

Tutol naman ang ilang kongresista na mapasailalim ang kanilang kinakatawang probinsiya sa Bangsamoro government.

Anila oras na mapasama na ang kanilang mga provinsiya sa Bangsamoro region may kapangyarihan na ang Bangsamoro government na pamahalaan ang kanilang natural resources.

Pangamba ni Zamboanga Sibugay Rep. Seth Jalosjos, kapag bahagi na ang kanilang lugar sa Bangsamoro region hindi na sila maaari pang humiwalay. ( Grace Casin / UNTV News )

Tags: , ,