METRO MANILA – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang nawawala sa 10 navigational buoy na kanilang inilagay sa West Philippine Sea.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, batay sa isinagawang aerial inspection kahapon (June 6) sa Palawan nananatili pa rin sa orihinal na posisyon ang 2 navigational buoys.
Nauna nang napaulat na nawawala ang mga naka-install na boya malapit sa Balagtas at Julian Felipe Reefs.
Tiniyak naman ni Admiral Abu, patuloy na babantayan ng PCG ang soberanya at karapatan ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.
Tags: Buoy, PCG, West Philippine Sea
METRO MANILA – Nagbigay ng sagot ang China sa pahayag na sinadya nito ang agresibong aksyon ng China Coast Guard laban sa tropa ng Pilipinas na nagsagawa ng rore misyon sa Ayungin Shoal noong June 17.
Ayon kay China Ministry of Foreign Affairs Spokesperson Mao Ning, nilinaw na ng China ang nangyari at ang posisyon nito sa umano’y ilegal na pagpasok ng mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa Ayungin Shoal na tinatawag nilang Ren’ai Jiao, at iginiit na teritoryo ito ng China.
Sinabi rin ni Mao na dapat itigil na ng Pilipinas ang umano’y probokasyon at paglabag nito sa soberanya ng China,
Isaayos ang maritime differences sa pagitan ng 2 bansa sa pamamagitan ng negosasyon at konsultasyon, at magtulungan para sa pagtsataguyod ng kapayapaan sa South China Sea.
METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior kahapon (June 23) na mayroong matibay na pinanghahawakan o legal grounds ang mga claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Inihayag ito ni PBBM sa ginawang pagbisita nito sa mga sundalong hinarass ng China Coast Guard (CCG) kamakailan sa kanilang nagdaang resupply mission sa Ayungin Shoal.
Iginiit nito ang kaniyang pangako sa bayan mula noong maluklok sya sa posisyon na gagawin nito ang lahat ng paraan para maingatan at ipagtanggol teritoryo ng bansa, lalo nat nakapanig sa Pilipinas ang international law.
Masaya namang ibinalita ni Pangulong Marcos na kinikilala ng international community ang teritoryo at Exclusive Economic Zone (EEZ) kung saan magagamit ng mga Pilipino at kanilang karapatan at soberanya.
METRO MANILA – Naniniwala ang National Security Council (NSC) na hindi maituturing na “Act of War” ang nangyaring pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas na nasa resupply mission sa Ayungin Shoal noong Linggo December 10.
Ito ay kahit nakasakay sa isa sa mga supply boat si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Junior.
Ipinaliwanag ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya, na ang naturang insidente ay isang seryosong aksyon na nakapagpapataas ng tensyon sa rehiyon.
Paliwanag naman ni AFP Spokesperson Carlo Medel Aguilar, nakasakay sa Unaizah Mae 1 vessel ang AFP Chief of Staff upang personal na makita ang ginagawang pambubully ng China at ihatid ang mensahe ng pangulo sa mga tropa na nakaistasyon sa BRP Sierra Madre.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nakakita sila ng maraming Chinese Coast Guard (CCG) vessels noong Linggo (December 10), kung saan kabilang ang CCG vessel 5204 na gumamit ng tinatawag na Long Range Acoustic Devices (LRADS) nang mangyari ang water cannon attack sa M/L Kalayaan na kabilang sa supply boats papuntang Ayungin Shoal.
Habang 4 na CCG vessels ang bumuntot at dumikit sa buong supply contingent. Bukod pa ito sa Chinese militia vessels na kasamang humaharang sa Philippine vessels.