10-M Pilipino target isailalim sa COVID-19 test pagsapit ng 2021 – Sec. Duque

by Erika Endraca | July 22, 2020 (Wednesday) | 1434

METRO MANILA – Wala pang kakayanan ang pamahalaan na isailalim sa COVID-19 test ang lahat ng Pilipino.

Ito ang tugon ni Department Of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa tanong ni Pangulong Duterte kung may kapasidad ang bansa na ma-test ang lahat ng mamamayan nito.

Paliwanag ng kalihim, walang bansa na nakagagawa nito maski ang pinakamayamang bansa gaya ng Amerika.

“Hindi naman po natin pwede i- test ang bawa’t mamamayan wala pong bansang nakakagawa nito kahit ang pinakamayaman katulad ng united states of americaang kanilang testing e nasa 40 miliion na mr president that’s almost close to 9% of the total population of the us of about 370 million americans” ani DOH Secretary Francisco Duque III.

Gayunman ayon kay Secretary Duque target nilang maitest ang 10-M Pilipino o 10% ng populasyon ng Pilipinas pagsapit ng 2021.

Malalagpasan pa aniya natin ang ratio ng testing capacity ng amerika apag naabot natin ito.

Sa kasalukyan ay may rated daily testing output na ang Pilipinas na 25,000 at may 90 licensed testing lab sa bansa

“Ang target po natin is 10 million filipinos to be tested by 2021. We hope to do the test at 32,000 to 40,000 a day” ” ani DOH Secretary Francisco Duque III.

Bagaman hindi lahat ng Pilipino ay maaaring sumailalim sa COVID-19 testing patuloy namang nadaragdagan ang mga prayoridad na sumailalim sa expanded testing guidelines ng DOH.

Nitong nakaraang Linggo inanunsyo rin ng doh na madadagdagan ang grupo na sasailalim sa COVID-19 testing alinsunod sa Dept Memorandum Order No. 2020- 0258-a.

Kabilang rito ang subgroup J: ang labing isang grupo ng mga frontline at economy workers.

Kabilang dito ang mga manggagawa sa transport at logistics, food retail, education, financial services, non- food retail workers,service providers, market vendors, construction workers, water supply, sewerage, waste management workers, public sector at ang mass media .

Hinihikayat din ng DOH ang private sector employers na ipa- test ang kanilang mga empleyado sa gastos ng kompanya.

Tiniyak naman ng DOH na may sapat pang test kits sa Pilipinas para ma- test ang mga frontliners sa bansa .

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: