10 loan agreements, inaasahang malalagdaan sa pagbisita ni Chinese Pres. Xi Jinping sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | August 30, 2018 (Thursday) | 2351

Inihayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na sampung loan agreements ang posibleng pirmahan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa nakatakdang pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa buwan ng Nobyembre.

Gayunman, walang binanggit ang kalihim kung magkano ang halaga ng mga naturang kasunduan na nakatutok sa pagpapaigting ng infrastructure projects ng Duterte administration.

Ayon sa opisyal, mula sa APEC Summit sa papua new guinea, didiretso sa Pilipinas Si President Xi.

Bukod dito, may iba pa umanong nakahandang sorpresa ang Tsina para sa Pilipinas tulad ng pag-aanunsyo ng dagdag na tulong pinansyala para sa bansa.

Nilinaw naman ng kalihim na sa bawat loan agreement na mayroon ang Pilipinas sa Tsina, ang Philippine Government ang mamimili ng isa sa tatlong pinakamahuhusay na contractors na sumailalim sa betting ng Chinese Government para sa isang proyekto.

Tiniyak din ng opisyal na magiging maingat ang Philippine Government sa pag-apruba ng mga proyektong papasukin ng bansa sa pamamagitan ng kasunduang pinirmahan o pipirmahan sa Tsina.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,