10 kandidato sa pagka-pangulo, dadalo sa debate ng COMELEC sa March 19 – Dir. Jimenez

by Radyo La Verdad | February 25, 2022 (Friday) | 4796

Isasagawa ang unang round ng presidential debates ng Commission on Elections (COMELEC) sa Sa March 19, 2022.

Magsisimula ito ng alas-siete ng gabi at tatatgal  hanggang alas-nuebe y media.

Sa ngayon, wala pang binigay ang komisyon na partikular na lugar kung gagawin ang debate. Ngunit pagtityak ng komisyon na sa  greater Manila area lang ito isasagawa.

Ayon kay COMELEC Spokesperson Director James Jimenez, positibo ang  tugon ng kampo ng sampung presidential candidate na sila ay dadalo.

Sa pamamagitan ng sulat, kinumpirma ni dating MMDA Chairman Benjamin Abalos, Jr., national campaign manager ni Marcos ang pagdalo ni BBM sa debate.

Ngunit ayon sa tagapagsalita ni marcos na si Atty. Vic Rodriguez,  hindi pa ito siguarado kung talagang dadalo.

Sa inisyal na impormasyon na binigay ng COMELEC, walang live audience sa debate.

Lahat ng media organization ay maaring i-ere ang sariling broadcast ng COMELEC.

Dagdag pa ni jimenez, kasama sa ground rules na walang dadalhing kodigo ang mga kandidato. May impormasyon na sila sa mga posibleng isyu, ngunit hindi alam ng mga kandidato ang aktual na tanong.

“The format of the first debate will be a single moderator which means we will have one moderator versus ten candidates. The moderator will be the one asking the question, and the moderator would be the only one who has any knowledge of what question they will asked. No one will have advance knowledge about the questions,” ani Dir. James Jimenez, Spokesperson, COMELEC.

Tatlong presidential debates ang isasagawa ng COMELEC at ang huling debate ay sa buwan ng Abril. Isang vice presidential debate din ang gagawin  kinabukasan pagkatapos ng presidential debate.

“All VP candidates confirm except one who unfortunately I think who will be undergoing surgery,” dagdag ni Jimenez

Samantala, inaasahang maglalabas ng bagong Implementing Rules and Regulations ang COMELEC para sa election propaganda materials. Kasunod na rin ito ng mga reklamo sa isinasagawang oplan baklas ng comelec laban sa mga iligal na campaign posters.

Nilinaw ng COMELEC na sa ngayon ay kailangan na ng written consent o pahintulot ng may-ari bago pasukin at baklasin ang posters.

Mag-iisyu din ng notice ang mga tauhan ng komisyon sa loob ng tatlong araw. Kapag hindi pumayag ang may-ari ng property, hindi naman ito pipilitin, ngunit ang kasunod na gagawin ng COMELEC ay ang posibleng pagsasampa ng kaso bilang election offense.

“One of the biggest features of the plan IRR is that we will be requiring our field officials to get a written consent before they can enter into private property. The COMELEC has always abided by the policy that we will not enter into the private property unless there is consent by the property owner,” ayon kay Dir. James Jimenez.

Binigyang diin ng COMELEC na ang iba nilang panuntunan hiniggil sa election propaganda materials ay mananatili.

Dante Amento | UNTV News

Tags: , , ,