10 emergency medical services team mula sa iba’t-ibang bansa sa Asya, nagpasiklaban sa 2018 Clinical Competition sa Davao City

by Radyo La Verdad | June 18, 2018 (Monday) | 1685

Sa kauna-unahang pagkakataon, sa Pilipinas isinagawa ang taunang emergency medical services asia 2018 Clinical Competition. Sinimulan ang 4 na araw na event sa Davao City noong Biyernes

Nilahukan ito ng sampung team mula sa iba’t-ibang bansa sa asya tulad ng Malaysia, Taiwan, Thailand at Singapore.

Layon ng kompetisyon na masukat ang kakayahan ng mga grupo na mag-asikaso ng maraming pasyente, tulad ng sa isang mass casualty incident.

Gayundin ang leadership, teamwork at communication skills ng bawat grupo. Tatagal hanggang ika-19 ng Hunyo ang kompetisyon.

Kabilang na dito ang wilderness first aid, water rescue for hydro-meteorological hazards at iba pa.

 

( Marisol Montaño / UNTV Correspondent )

Tags: , ,