10 bagong kaso ng COVID-19 variant na unang natuklasan sa India, naitala sa Pilipinas

by Erika Endraca | May 17, 2021 (Monday) | 10835

METRO MANILA – Muling nakapagtala ang Department Of Health (DOH) ng bagong kaso ng B.1.617.2 COVID-19 variant na unang natuklasan sa India

Itinuturing itong “double mutant” COVID-19 variant dahil taglay nito ang 2 mutations at mas mabilis kumalat at makahawa.

Isang seafarer mula sa Belgium ang isa sa 10 bagong kaso ng B.1.617.2 COVID-19 variant na naitala ng Department of Health sa bansa.

Sa pahayag ng DOH,umalis ang seafarer sa Belgium saka ito bumiyahe mula sa United Arab Emirates papuntang Pilipinas

Dumating ito sa bansa noong April 24 at naka- kumpleto ng kaniyang isolation period noong May 13

Ang 9 naman na bagong kaso ng B.1.617.2 ay mula sa mga samples ng 12 Filipino crew ng MV Athens nag- positibo sa COVID-19. 4 sa mga ito naka- admit pa sa mga ospital at nasa stable na condition na. Ang 5 ay kasalukyang nasa isolation facility pa.

Ang sample naman ng 3 sa mga ito ay hindi kailangang isailalim sa genome sequencing ngun’t nasa isolation facility pa sila ngayon.

Sa ngayon, 12 na ang kaso ng B.1.617.2 o tinatawang na “double mutant” COVID-19 variant ang nasa Pilipinas kabilang dito ang unang 2 kaso ng mga returning OFWs mula sa Oman at sa UAE.

Ayon sa DOH, sa 6 na close contacts ng galing sa Oman, 3 ay negatibo sa sakit ngunit 3 ay hinahanap pa dahil hindi tugma ang pangalan sa flight manifesto ng mga ito.

Nakatutok sila sa ilalabas na resulta ng genome sequencing sa close contacts ng galing UAE dahil may nag- positbo sa kanila sa COVID-19.

Samantala, may 13 bagong kaso rin ng B.1.1.7 o COVID-19 variant na unang natuklasan sa United Kingdom ang naitala sa bansa. 7 bago kaso naman ng B.1.351 COVID-19 variant na unang natuklasan sa South Africa. At 1 pang kaso ng P.3 varaint under investigation sa Pilipinas ang nadagdag.

Pinapaalalahanan ang publiko na laging sumunod sa minimum public health standards at huwag maging kampante upang maiwasang mahawa ng anomang COVID-19 variants na umiiral sa Pilipinas.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,