10-15-M na bakuna, inaasahang darating sa kalagitnaan ng taon- Sec. Galvez

by Radyo La Verdad | April 20, 2021 (Tuesday) | 3110

METRO MANILA – Asahan na umano ang pagdagsa ng bakuna kontra COVID-19 sa kalagitnaan ng taon.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Junior, bago matapos ang Abril ay papasok sa bansa ang 2-M doses ng bakuna ng Sinovac, Gamaleya, Sputnik V at Pfizer.

Sa mayo na aabot sa 4-M doses ng bakuna. Kabuuang 7 -8-M na doses ng bakuna naman ang ide-deliver sa bansa pagdating ng Hunyo.

“Lima na po ang kontrata natin na taalgang ngayon po ay inaayos na po natin ang mga financing sa Sinovac, Astrazeneca, Moderna, Novavax at Gamaleya, yung Johnsons and Johnsons nagpapasalamat tayo safda dahil lumabas na ang kaniyang EUA. So Mr President inieexpect po natin , June ,July, August dun na po bubuhos yang ating mga naorder natin na mga vaccine abbot na po ng 10-15m na po ang dadating by August na po yun” ani Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr.

Ayon pa sa Vaccine Czar, Kung titingnan ngayon ang ranking ng Pilipinas ukol sa vaccination rollout, hindi masasabing nahuhli ang Pilipinas.

“Nakahabol po tayo, sa ngayon po ay number 3 po tayo, at the same time 41st po tayo out of 173 countries at no.14 po mayo sa 47 ASEAN countries, so hindi po mayo nahuhuli” ani Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr.

“Maganda ang record natin despite of a unfounded criticisms which you expect it” ani Pres. Rodrigo Duterte.

Samantala, nagpapatuloy ang pagaaral ng Department of Science and Technology (DOST) sa posibleng bisa ng virgin coconut oil , steroid at tawa tawa laban sa COVID-19.

Maging ang halamang tawa tawa ay isinama na sa pagaaral.

“May sang gamut sa dengue yun pong tawa tala, kasi napatunayan na, nakakapagimprove rin ng recovery ng may dengue kaya susubukan naman sa COVID-19”ani DOST Sec. Fortunato De La Peña.

Sisimulan na rin ang clinical trial sa ivermectin. Kung saan mayroon nang nabuong grupo na mangunguna sa pagaaral na ito na maaaring tumagal ng hanggang 6 na buwan.

“At ang plano po dito ay yung mga quarantine centers na malapit sa PGH ang pagsasagawaan nita, meron na ring iniallocate na pondo ang DOH para ditos clinci trials na yan hopefully kapag natapos ang trial na yan ay magkaroon tayo ng realiable estimates na epekto ng ivermectin billing anti-viral agent na makaka-reduce ng virus sa shedding sa mga mild at moderate patients” ani DOST Sec. Fortunato De La Peña.

Iniulat na rin ng DOST sa pangulo ang tungkol sa trials ngayon na ginagawa sa mga locally made na ventilators na kinakailangan ngayon sa mga ospital sa gitna ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,